Ikinababahala ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang pagkalat na mga nakahahawang sakit sa POGO workers na nasa kanilang kustodiya.
Sinabi ni PAOCC Executive Director Gilbert Cruz na nasa 700 na dating POGO workers ang nananatili sa kanilang temporary detention center sa Pasay City.
Nabunyag sa medical examination kamakailan na 66 ang nag-positibo sa HIV, Syphilis, at Hepatitis, na pawang nakahahawa.
Ipinaliwanag din ni Cruz na napilitan silang suspindihin muna ang kanilang mga operasyon bunsod ng pagsisiksikan sa kanilang detention facility.