Bubuo ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ng database ng mga dayuhan na nagta-trabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) upang makatulong sa kanilang deportation.
Ginawa ni PAOCC Exec. Dir., Usec. Gilbert Cruz ang pahayag, kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hanggang katapusan na lamang ng taon ang operasyon ng lahat ng POGOs sa buong bansa.
Sinabi ni Cruz na sa tingin niya ay sapat ang limang buwan na ibinigay ng Pangulo para maabot nila ang kanilang goal, hindi lamang para matukoy nila ang mga boss, kundi para makalikha ng database sa lahat ng foreign nationals na nagta-trabaho sa POGO companies.
Binigyang diin ng PAOCC official na mahagala ang database upang matiyak na lahat ng POGO workers ay maipade-deport sa kanilang mga pinanggalingang bansa.