dzme1530.ph

PANUNUYO NG MATA O DRY EYE, MAAARING SENYALES NG AUTOIMMUNE DISEASE

Loading

Lumabas sa pag-aaral na ang panunuyo ng mata o dry eye ay hindi lamang simpleng iritasyon at sa halip ay maaaring maagang senyales ng autoimmune disease.

Ang autoimmune disease ay isang kondisyon kung saan “nalilito” ang ating immune system.

Sa halip na protektahan ang cells at tissues ng katawan laban sa mga virus at bacteria, ang sariling immune system ang mismong umaatake o sumisira dito.

Sa ginawang pagsusuri, isa sa bawat limang pasyente ay dumaan sa matinding panunuyo ng mata bago pa man natukoy ang kanilang sakit gaya ng rheumatoid arthritis at Sjögren (show-grun) syndrome.

Nagbabala ang mga eksperto na kapag hindi naagapan ang dry eye ay maaaring mauwi sa corneal ulcer o sugat sa cornea na nagdudulot ng malabong paningin.

Kung ang panunuyo ng mata ay pabalik-balik at hindi na makuha sa simpleng pahinga, inirerekomendang kumonsulta na sa ophthalmologist.

About The Author