dzme1530.ph

Panukalarang heartbreak leave, kinontra ng isang Senador

Hindi pabor si Senate Committee on Labor and Employment chairman Jinggoy Estrada sa ipinapanukalang heartbreak leave sa Kamara.

Sinabi ni Estrada na hndi siya tiyak kung paano mapatutunayan ng isang empleyado na siya ay may pinagdaraanang sitwasyon dahil sa pagiging broken hearted para maavail ang heartbreak leave.

Binigyang-diin pa ng senador na ang sinumang empleyadong papasok sa trabaho ay hindi dapat nagbibitbit ng anumang personal na problema.

Naniniwala rin si Estrada na posibleng hindi suportahan ng business groups ang panukala dahil bukod sa mga vacation at sick leave, marami pang mga holidays sa loob ng isang taon na nakababawas sa productivity ng isang kumpanya.

Inihain ni Cong. Lordan Suan ang House Bill No.9931 o proposed Heartbreak Recovery and Resilience Act na nagbibigay ng isang araw na unpaid heartbreak leave sa isang empleyado ng nasa edad 25 taong gulang pababa habang hanggang dalawang araw na unpaid heartbreak leave sa mga nasa edad 25 hanggang 35.

Layunin din ng panukala na masuportahan ang mga empleyado na nakakaranas ng emotional distress dahil sa break up sa karelasyon.

About The Author