dzme1530.ph

Panukalang ₱200 daily minimum wage hike pinasesertipikahang urgent

Loading

Umapela na rin si Rizal 4th Dist. Rep. Fidel Nograles kay Pang. Ferdinand Marcos Jr. para sertipikahang urgent ang proposed ₱200 wage hike.

Naniniwala si Nograles, chairman ng House Committee on Labor and Employment na sa isyung ito, kailangan ang executive intervention.

Mensahe nito sa Punong Ehekutibo, kailangan ng mga manggagawa ang umento sa arawang kita na ngayon ay ₱640 lamang.

Tiwala ang kongresista na bibigyan ng lifeline ni Pang. Marcos ang mga pamilyang naghihirap na sinabayan pa ng pagtataas sa pamasahe sa LRT-1.

Aminado ito na kakarampot at hindi talaga sapat ang inaaprubahang dagdag sahod ng Regional Wage Board, kaya naman ang pinakamabisang interbensyon ay ang ₱200 wage hike para makaagapay ang manggagawa.

Sa March survey ng SWS, 27.2% ng pamilyang Pilipino o 7.5-M households ay nakaranas ng ‘involuntary hunger’ sa nagdaang 3-buwan.

Paalala ni Nograles, 6-session days na lamang ang natitira sa pagbabalik ng sesyon sa Hunyo, kaya importanteng masertipikahan itong urgent para matiyak na paaprubahan ito bago magsara ang 19th Congress.

About The Author