![]()
Rerebisahin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kanilang proposed provisional fare increase kasunod ng pagsipa ng presyo ng produktong petrolyo.
Sinabi ni LTFRB Chairperson Atty. Vigor Mendoza na una nang inirekomenda ng ahensya ang provisional fare increase batay sa presyo ng diesel na nasa 60 pesos per liter.
Subalit ngayon aniya na posibleng aabot sa 80 pesos per liter ang presyo ng diesel, ay tiyak ng mababago ang numero.
Idinagdag ni Mendoza na sa sandaling matanggap nila ang approval mula sa Department of Transportation (DOTr) ay agad silang magpapatupad ng provisional fare increase.
Inihahanda na rin ng LTFRB ang ipamamahaging fuel subsidy ng pamahalaan sa mga operators at drivers ng public utility vehicles.
