![]()
IGINIIT ni Senador Pia Cayetano na dapat pang pag-aralang mabuti ang mga panukalang suspindihin ang Value Added Tax sa petrolyo.
Sinabi ni Cayetano, chairperson ng Senate Committee on Ways and Means, maaaring maging kumplikado ang computation at reporting ng buwis kapag sinuspinde ang VAT.
Ginawa ng senadora ang pahayag sa gitna ng pag-eendorso sa plenaryo ng Senado ng panukalang naglalayong bigyan ang Pangulo ng emergency power upang suspindihin at bawasan ang excise tax sa petrolyo.
Iginiit ng mambabatas na dapat maingatan ang katatagan ng pananalapi ng bansa at ang pangmatagalan na katatagan ng ekonomiya.
Ipinapanukala na ilan na alisin na rin ang VAT dahil dagdag pasanin din ito sa mga consumer.
Ang 12 percent VAT ay ipinapataw sa presyo ng petrolyo na mayroon nang excise tax.
