![]()
Agad na isusumite sa Malakanyang para sa paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang panukalang 2026 national budget matapos itong ratipikahan sa Lunes.
Ito ang kinumpirma ni Senate Finance Committee Chairman Sherwin Gatchalian upang agad nang mabusisi ng Malakanyang.
Una nang tiniyak ni Gatchalian na enrolled bill na ng 2026 General Appropriations Bill ang raratipikahan nila upang handa na itong isumite agad sa malakanyang.
Kasabay nito, pabor si Gatchalian na sa Enero 5 na lagdaan ng Pangulo ang panukalang budget upang matiyak na bawat probisyon nito ay masusing mapag aaralan.
Kinikilala ng senate finance chief na ang pagsusumite ng budget bill sa december 29 ay dalawang araw lang bago magbagong taon at kailangan ng ehekutibo ng sapat na panahon para mareview ang higit apat na libong pahina ng enrolled copy ng budget bill.
