dzme1530.ph

Panukalang pagbawi sa prangkisa ng SMNI, lusot na sa Kamara

Sa botong 284 yes, 4 no, at 4 abstain, aprubado na sa 3rd and final reading ang panukala na binabawi ang prangkisa ng Suara Sug Media Corp. na nag-ooperate sa ilalim ng Sonshine Media Network Int’l (SMNI).

Pinawalang saysay ng HB 9710 ang Republic Act no. 11422 na nagbigay ng franchise sa Suara Sug, at ang R.A 8122 na nagbigay ng panibagong 25-years franchise noong Aug. 2019 at mag-e-expire sa taong 2044.

Pinagbasehan ng pagbawi ang napakaraming paglabag sa franchise law gaya ng pagpapakalat ng fake news, red tagging at iba’t ibang corporate offenses.

Nag-ugat ang congressional inquiry ng akusahan ng hosts ng “Laban Kasama ang Bayan” program na gumastos si Spkr. Martin Romualdez ng P1.8-B sa mga biyahe nito sa abroad sa loob lang ng isang taon.

Sa anim na pagdinig ng Committee on Legislative Franchises, hindi sumipot ang kilalang may-ari nito na si Pastor Apollo Quiboloy, ang self-proclaimed anointed Son of God, at lider ng Kingdom of Jesus Christ na naka base sa Davao City.

About The Author