![]()
Pinagtibay na kagabi sa second reading ang panukalang pag-abolish sa travel tax.
Sa sponsorship speech ni Romblon Cong. Eleandro Jesus “Budoy” Madrona sa House Bill No. 8464 na pangunahing inakda ni Ilocos Norte Rep. at House Majority Floor Leader Sandro Marcos, hiniling nito na aprubahan ang pag-aalis sa travel tax dahil makabubuti ito lalo sa turismo sa bansa.
Ang proposed travel tax abolition ay dumaan sa tatlong komite, mula sa Tourism, Ways and Means at sa Appropriations panels.
Ayon pa kay Madrona , sa ngayon may ilan ng kasunduan ang nalalabag ng pagpataw ng travel tax kagaya ng ASEAN Tourism Agreement kung saan signatory ang Pilipinas.
Sa naturang agreement, isinusulong ng mga Member States na tanggalin ang travel-related levies, idagdag pa dyan ang mismong ginagarantiyahan ng Konstitusyon ang “freedom of movement.”
Una nito sa pagdinig ng Ways and Means, tinaya na mas malaki pa ang kikitain ng gobyerno kung aalisin ang travel tax dahil mas sisigla ang sektor ng turismo at iba pang industriya na karugtong.
Ayon naman sa DBM at DOF, titiyakin nila na magpapatuloy ang funding ng TIEZA, CHED at NCCA na magmumula na sa GAA para hindi mabalam ang function ng mga ito na sa kasalukuyan ay recipients ng travel tax collections.
