Bibigyan ng P500 na allowance kada buwan ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang mga batang may kapansanan na residente sa kanilang lungsod.
Ito’y makaraang maipasa ng Manila City Council ang isang ordinansa para sa naturang buwanang ayuda.
Nabatid na naniniwala ang buong konseho na may positibong epekto sa buhay ng mga batang Manilenyo na PWD, ang naipasa nilang City Ordinance No. 8543.
Pangungunahan ng Manila Department of Social Welfare Office ang beripikasyon ng mga kuwalipikadong benepisaryo at paglabas ng listahan.
Para makatanggap ng nasabing monthly allowance, kailangang nakarehistro sa Maynila ang magulang o guardian ng minor na PWDs.
Kailangang lehitimong residente ng Maynila sa loob ng anim na buwan at dapat ay nasa master list ng Manila Department of Social Welfare Office. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News