dzme1530.ph

PANUKALANG MAGPAPADALI SA PAG-A-APPLY NG TRABAHO, ISINULONG SA KAMARA

Loading

Isa pang bahagi ng Ginhawa Kit o Kuryente-Internet-Trabaho legislative agenda ang isinulong ng Lakas-CMD solons.

 

Nanguna si former House Speaker at Lakas president Martin Romualdez sa pag-file ng House Bill No. 8192 o Ginhawa sa Paghahanap ng Trabaho Act.

 

Layon ng panukala na gawing madali sa mga job seekers ang pag-a-apply sa trabaho.

 

Ayon kay Romualdez, sa pagkuha pa lamang ng clearance na kailangan sa pag-apply ng trabaho, kumakain na ito ng mahabang oras o araw.

 

Ang Ginhawa sa Paghahanap ng Trabaho Act ay kabahagi ng Ginhawa Kit package ng Lakas-CMD.

 

Una nito ang uniform 50% discount sa binabayarang kuryente ng mga pamilyang kumikita lamang ng minimum wage.

 

Co-author ng Ginhawa Kit measure ang lahat ng kasapi ng Lakas-CMD, na siyang biggest political party ngayon sa Kamara.

About The Author