dzme1530.ph

Panukalang magbibigay ng P1K pension sa indigent seniors, tatalakayin na sa Kamara

Kinumpirma ni Senior Citizen Partylist Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes na tatalakayin na bukas sa Committee on Appropriations ang panukala para sa universal social pension ng senior citizens.

Ang panukala ay nilalayong mapondohan ang P1,000 monthly pension ng may 10-milyong seniors sa bansa, o kabuuhang P120-B budget sa isang taon.

Ayon kay Ordanes, ang maganda nito may “inflationary-adjustment provision” ang panukala para makahabol sa consumer price index at iba pang economic indicators.

May Undisbursed Fund provision din ito kung saan ang mga hindi nagastos na pondo ay otomatikong mapapasama sa susunod na fiscal year.

Magkakaroon din ng tatlong taong transition period sa implementasyon nito kapag ganap na naging batas, mula sa DSWD patungo sa National Commission of Senior Citizens.

About The Author