dzme1530.ph

Panukalang Joint Military exercise ng Pilipinas at China, suportado ng AFP

Susuportahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang posibilidad nang pagkakaroon ng Joint Military Exercises kasama ang China.

Ito ang sinabi ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. kaugnay ng suhestyon ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.

Dagdag ni Brawner, mismong ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nagsabi na ang Pilipinas ay kaibigan ng lahat at walang kaaway, kaya bukas ang Pilipinas sa pakikipagdiyalogo sa iba’t ibang mga bansa.

Aniya may tinatawag na “military diplomacy” kung saan nakikipag-usap at nagsasagawa ng mga aktibidad ang Pilipinas kasama ang iba’t ibang mga partner na bansa.

Ito ay para maging handa ang bansa sa posibleng giyera.

Pero sa kabila ng paghahanda sa giyera, binigyang diin ni Brawner na ang ultimong hangarin ng Pilipinas ay makaiwas sa giyera. –sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author