dzme1530.ph

Panukalang ‘Early voting’ ng disadvantage sectors, aprubado na sa huling pagbasa sa Kamara

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng mababang kapulungan ang panukalang batas na magpapahintulot sa “Early Voting” o ang maagang pagboto ng mga persons with disabilities (PWD), senior citizen, at ilan pang piling sektor sa national at local elections.

Nakasaad sa House Bill 7576 na maaari nang bumoto pitong araw bago ang itinakdang araw ng eleksyon ang mga registered senior citizens, PWDs, mga abogado, at health care workers.

Kailangan lamang na magpatala sa “Nationwide Registration” ng Commission on Elections (COMELEC).

Target ng panukala na bigyang-konsiderasyon ang kondisyon at kalusugan ng mga nasa disadvantage sectors at mga naghahatid ng serbisyo sa publiko tuwing halalan sa bansa. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author