Iginiit ni Sen. Cynthia Villar na maliit ang tsansa na maipasa sa senado ang isinusulong na divorce bill.
Sinabi ni Villar na lamang pa rin sa senado ang mga tutol sa panukalang diborsyo sa bansa kaya malabo pang makalusot ito ngayon sa Mataas na Kapulungan.
Iginiit ng senadora na ang pamilya ang basic unit sa komunidad na dapat anyang palakasin at maglunsad ng mga hakbangin upang mas maging matibay ang pagsasama.
Kinatigan din ng senadora ang pahayag ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na gawing mura o abot-kaya para sa mahihirap ang prosesong ito.
Ayaw namang magkomento ni Villar sa mga kapwa babaeng senador na nagsusulong ng divorce bill dahil mayroon aniya silang kanya-kanyang buhay at sa kanyang personal na karanasan ay hindi siya kailanman papabor sa diborsyo.