dzme1530.ph

Panukalang bawasan ang taripa upang maibaba ang presyo ng bigas, suportado ng ilang senador

Suportado ng ilang senador ang pahayag ng Department of Finance na handa ang gobyerno na mabawasan ang kita nito ng P10 bilyon sa pamamagitan pagbababa ng taripa upang maibaba ang presyo ng bigas at mapigilan ang pagtaas ng inflation rate.

Sinabi ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na maaaring mabawi ang mawawalang kita ng gobyerno sa pamamagitan ng pagbabawas ng mga hindi kailangang gastusin.

Iginiit naman ni Sen. Grace Poe na maliit lamang ang P10 bilyong maiisasakripisyo para maging abot kaya ang presyo ng bigas sa bansa na agarang mararamdaman ng publiko.

Subalit ipinaalala ni Poe na dapat pa ring tiyakin ng gobyerno na mapapanagot ang mga hoarders, price fixers at smugglers ng bigas

Sa panig ni Sen. Imee Marcos, binigyang-diin na band aid solution ang pagbabawas ng taripa at dapat matiyak na mapapababa ang retail value ng bigas at di lamang mapapalaki ang kita ng mga importer.

Pero ang long term solution anya ay suportahan ang ating mga lokal na magsasaka at pahusayin ang kanilang produksyon at iwasan ang labis na pagdepende sa importasyon.

About The Author