dzme1530.ph

Panukalang batas para sa pagtatatag ng NFCA, isinulong sa Kamara

Loading

Isinulong sa Kamara ang House Bill No. 3107 na inakda ni Surigao del Norte Rep. Bernadette Barbers na naglalayong magtatag ng National Flood Control Authority (NFCA) bilang isang independent agency sa ilalim ng Office of the President.

Ayon sa panukala, magsisilbing pangunahing ahensya ang NFCA sa pagpaplano ng komprehensibong National Flood Control Masterplan.

Obligasyon din nito ang makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at mga kaukulang ahensya para sa maayos na koordinasyon.

Responsable rin ang NFCA sa operasyon at pagtutok sa lahat ng flood control infrastructure, kabilang ang pumping stations, drainage systems, floodways, water retention basins, dikes, at riverbanks.

Sa explanatory note ni Barbers, bilyon-bilyong piso na umano ang ginugugol sa flood control projects subalit bigo pa ring masawata ang mga pagbaha.

Mistula din umanong may overlapping sa tungkulin ng DPWH at MMDA pagdating sa flood control.

About The Author