dzme1530.ph

Panukalang batas na naglalayong pangalagaan ang Sierra Madre Mountain Range, itinutulak

Nanawagan si Rizal 4th Dist. Rep. Fidel Nograles sa Kongreso, para pagtibayin ang Sierra Madre Dev’t Authority (SMDA) na mangangalaga sa 500-kilometer Sierra Madre mountain range.

Ang panawagan ay kasunod ng aerial inspection ni Pang. Ferdinand Marcos, Jr. matapos ang bagyong Enteng, at nakita ang nakakalbong bundok ng Sierra Madre.

Umaasa si Nograles, chairman ng committee on labor and employment, magsilbi sanang hudyat sa kongreso ang pahayag ng Pangulo upang talakayin at aprubahan na ang pagbuo ng SMDA sa ilalim ng House Bill No. 1972 na inakda nito.

Ang SMDA ayon kay Nograles ay makakatulong para sa mapagaan ang epekto ng climate change, partikular sa pagbaha at pagguho ng lupa na madalas mangyari tuwing may bagyo.

Ang SMDA ay daan umano para mapanumbalik ang forest cover ng Sierra Madre, subalit kailangan ding sabayan ito ng “science-based long-term solutions” gaya ng flood control masterplan, maayos na solid waste management at land-use planning.

Sa ngayon nasa Committee on Gov’t Enterprises and Privatization pa rin ang panukala. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News

About The Author