dzme1530.ph

Panukalang batas na mangangalaga sa karapatan ng mga matatanda, inihain sa kamara

Inihain ng ilang mambabatas ang isang panukalang batas na magtitiyak na mabibigyang proteksyon ang mga matatanda.

Sa ilalim ng House Bill 4696 o Anti Elder Act na inihain nina Davao Rep. Paolo Duterte, ACT CIS Partylist Rep. Edvic Yap, at Benguet Rep. Eric Yap, papatawan ng parusang pagkakakulong ang sinuman na magpapabaya, mananamantala, at mag-aabuso sa mga matatanda.

Tinukoy sa panukala na ang mga “Acts of Violence” sa mga senior citizens ay hindi lamang kinabibilangan ng physical, psychological, mental at emotional abuse kundi nakapaloob din dito ang hindi tamang pag-aalaga, pagsuporta at abandoment o pag-aasa sa ibang tao ng responsibilidad sa pag-aalaga.

Sa oras na ito ay maisabatas, aabot sa isang buwang pagkakakulong ang ipapataw, anim na buwan naman para sa mga kaso ng slight physical abuse bukod pa sa multa na aabot ng P300,000 habang ang iba pang mabigat na kaso ay paparusahan batay sa revised penal code.

Samantala, sinumang mapatunayang nagkasala sa pang-aabuso sa mga senior ay kailangang sumailalim sa psychological counseling.

About The Author