dzme1530.ph

Panukalang batas na magpapatibay sa constitutional ban sa foreign land ownership sa bansa, isinusulong

Isa pang panukala na produkto ng House Quad Comm investigations sa isyu ng EJKs, illegal drugs at kriminalidad sa operasyon ng illegal POGO ang isinulong ngayong umaga.

Magkakasamang isinulong nina Quad Comm lead chairman Robert Ace Barbers, co-chairs Benny Abante, Jr., Dan Fernandez, Joseph Stephen ”Caraps” Paduano at Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales, Jr. ang House Bill No. 11043 o proposed “Civil Forfeiture Act.”

Salig sa Article XII, Section 7 at 8 ng 1987 Constitution, iniuutos ang “restrict private land ownership sa Pilipino o korporasyon with atleast 60% Filipino ownership.

Ayon kay Cong. Barbers, ang proposed Civil Forfeiture Act ay para patibayin lalo ang constitutional ban sa foreign land ownership na unang iniutos ng 1935 Constitution.

Target nito ang sino mang indibidwal o grupo na pinaiikutan ang konstitusyon sa paraan ng paggamit ng mga pekeng dokumento para lang makabili ng lupain ang mga dayuhan.

Sa pagsisiyasat ng Quad Comm natuklasan ang halos 4,000 parcel of land na nabili ng ilang grupo o indibiwal, na kunektado sa POGO na pag-aari ng mga dayuhang Intsik.

Co-authors din sina Quad Comm Senior Vice Chair Romeo Acop, Reps. Gerville Luistro, Rodge Gutierrez, Paolo Ortega, Jeff Khonghun at Keit Flores. —sa panulat ni Ed Sarto

About The Author