Sinertipikahang urgent ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukalang batas na magpapataw ng mas mabigat na parusa sa agricultural economic sabotage.
Sa liham na naka-address kay Senate President Juan Miguel Zubiri, hiniling ng pangulo ang agarang pagpasa ng Senate Bili No. 2432 o “An Act Defining the Crimes of Agricultural Economic Sabotage”.
Iginiit ni Marcos na mahalagang maipasa ang nasabing panukala sa harap ng sumisipang presyo at shortage o kakapusan sa agricultural products, dulot ng smuggling. hoarding, profiteering, at mga cartel.
Magtataguyod din umano ito ng productivity sa agriculture sector, po-protekta sa mga magsasaka at mangingisda mula sa mga mapagsamantalang traders at importers, at magtitiyak ng patas at abot-kayang presyo ng agricultural at fishery products.
Sa ilalim ng panukala, ipapataw ang multa at sintensyang hanggang habambuhay na pagka-bilanggo sa smuggling, hoarding, profiteering, at cartel ng agricultural at fishery products, habang ang mga kasabwat na opisyal o empleyado ng gobyerno ay maaaring mapatawan ng perpetual disqualification sa public office at pagbawi ng monetary employment at financial benefits. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News