dzme1530.ph

Panukalang 2026 national budget, ilalatag na sa plenaryo ng Senado

Loading

Ilalatag na ni Senate Finance Committee Chairman Sherwin Gatchalian sa plenaryo ng Senado ngayong araw ang panukalang 2026 national budget bill.

Kinumpirma ni Gatchalian na matapos ang kanyang sponsorship speech, sisimulan na bukas, November 13, ang plenary debates.

Gayunman, magbibigay-daan muna ang Senado sa Biyernes sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng umano’y anomalya sa mga flood control projects.

Simula naman sa susunod na linggo, isasagawa na ang plenary debates mula Lunes hanggang Biyernes, tuwing ala-una ng hapon.

Target ng Senado na matapos ang plenary debates sa loob ng 10 araw upang agad na masundan ng amendments bago tuluyang aprubahan ang pambansang budget.

Ayon kay Gatchalian, marami na ring senador ang nagsumite ng kani-kanilang mga panukalang pagbabago, na pag-aaralan nila kung kinakailangan at kung kakayanin ng fiscal space.

About The Author