dzme1530.ph

Panukalang 2026 budget, lusot na sa Senado

Loading

Approved na sa third and final reading ang panukalang ₱6.793 trillion na 2026 national budget.

Sa botong 17 senador na pumabor, walang tumutol at walang nag-abstain; inaprubahan na ng Senado ang House Bill 4058 o ang General Appropriations Bill.

Tulad ng mga naunang deklarasyon, ang sektor ng edukasyon ang may pinakamalaking alokasyon sa panukalang pambansang pondo.

Samantala, tiniyak ni Sotto na hindi sila papayag na hindi matuloy ang livestream ng proseso ng bicameral conference committee meeting sa panukalang budget.

Sinabi ni Sotto na malinaw ang napag-usapan nila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipakita sa publiko ang proseso ng budget.

About The Author