dzme1530.ph

Panukalang 0% tariff rate sa bigas, tinutulan ni Rep. Nicanor Briones

Umapela si AGAP Party-list Rep. Nicanor Briones kay Pangulong Bongbong Marcos, Jr. na huwag sundin ang mungkahi ng Department of Finance na “zero o reduction’ sa taripa ng imported na bigas.

Si Briones, Chairman ng Committee on Cooperatives Development ay nagsabi na maling mentalidad ng mga kasapi ng economic managers na galawin ang 35% na kinokolektang taripa sa inaangkat na bigas, na siyang pinagkukunan ng pantulong sa mga magsasaka.

Nagbabala si Briones na kapag tinuloy ang zero tariff sa imported rice, hindi lang mga magsasaka ang tatamaan kundi maging ang industriya ng pagbabababuyan at manukan.

Posible umanong mawalan ng gana ang mga sektor na ito, na siguradong produksyon o supply ang maaapektuhan.

Mungkahi na lamang ni Briones, palakasin ang programang “food stub” na pawang lokal na produkto ang mabibili, na malaking tulong sa mga magsasaka, at ihinto na ang “unlimited importation.” –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author