dzme1530.ph

Panukala vs deepfake porn, isinusulong ni Rep. Nazal

Loading

Isinusulong ni Bagong Henerasyon party-list Representative Robert Nazal ang House Bill No. 807 o ang “Take It Down Act of 2025” na layong parusahan ang sinumang lumilikha, nagkakalat, o nagmamay-ari ng non-consensual sexually explicit material, kabilang ang mga nilikha gamit ang artificial intelligence o AI.

Ayon kay Nazal, layunin ng panukala na tugunan ang lumalalang pang-aabuso sa AI, lalo na sa paglikha ng pekeng hubad na larawan at pornographic content na ginagamit para sa pananakot, harassment, o pambabastos.

Binigyang-diin ng kongresista na mas pinadali na ng generative AI ang paggawa ng mga realistic deepfake images at videos.

Aniya, wala pa ring malinaw at mabilis na proseso para maalis agad ang ganitong uri ng content sa internet, lalo na kung nasa ibang bansa ang mga gumagawa nito.

Ilang bahagi ng solusyon, itinatakda rin ng panukala ang pagtatayo ng isang “Take It Down” online portal sa pamumuno ng Department of Information and Communications Technology (DICT), na may panimulang pondo na P50 million .

 

 

About The Author