Inaprubahan na ng Senado ang panukalang i-renew ng 25 taon ang prangkisa ng Manila Electric Company (Meralco).
Inaprubahan ang panukala makaraang bumoto pabor dito ang 18 senador habang tumutol si Sen. Risa Hontiveros.
Sa ilalim ng House Bill 10926, pahihintulutan ang Meralco na magtayo, mag operate at magpanatili ng electric distribution systems sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas at Rizal.
Tinatayang higit 7 milyong mga Pilipino ang sinusuplayan ng kuryente ng kumpanya.
Sinabi ng sponsor ng panukala na Sen. Joel Villanueva, hindi lang nito pinapalawig ang prangkisa ng Meralco kundi pinalalakas rin ang energy security ng bansa at ang karapatan ng mga konsumer.
Sa 2028 pa nakatakdang mag-expire ang prangkisa ng Meralco.