Lusot na sa Senado ang panukalang nagsusulong na makapagtayo ng Bulacan Special Economic Zone and Freeport.
Sa 22 na senador ang pumabor, walang tumutol at walang nag abstain, inaprubahan sa ikatlo at pinal na pagbasa ang Senate Bill 2572.
Una nang tiniyak ng sponsor ng panukala na si Senate Committee on Public Services chairperson Grace Poe na tinugunan na ng panukala ang mga concern ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa unang bersyon ng panukala na ipinasa noong 18th Congress subalit nai-veto.
Ayon kay Poe, binalanse nila sa bagong bersyon ang layuning mapalago ang ekonomiya ng bansa at ang pagprotekta sa kalikasan.
Inaasahan ng Senadora na sa pamamagitan ng panukalang ito ay mas makakahikayat ng mga mamumuhunan sa ating bansa at makakagawa ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.
Umaasa rin si Poe na magiging modelo ang Bulacan ecozone hindi lang sa Pilipinas, kundi maging sa buong Asya.