![]()
TINIYAK ni Senate President Vicente Tito Sotto III na ipaprayoridad ng Senado ang panukala para sa pagbibigay ng emergency powers ang Pangulo para suspendihin o bawasan ang excise tax sa produktong petrolyo.
Sinabi ni Sotto na sa sandaling matanggap nila ng panukala ay kanila itong irerefer sa Senate Committees on Energy, Ways and Means at Finance upang agad mapag-aralan.
Kumpiyansa naman si Sotto si kakayanin nilang maipasa ang panukala bago pa magbreak ang sesyon sa susunod na linggo.
Kasabay nito, sinabi ni Sotto na dapat maging proactive ang mga awtoridad sa pagbabantay sa mga oil players upang masawata ang anumang pagsasamantala.
