ISINUSULONG ni Senador Bam Aquino ang panukala na nagmamandato ng pagbibigay ng diskwento sa load para sa mobile at internet services sa mga estudyante.
Sa kanyang proposed Student Discount Para sa Load Act, nais ni Aquino na magkaroon ng mekanismo upang matiyak ang pagkakaloob ng student load discount privilege.
Binigyang-diin ni Aquino sa panukala na hindi na maituturing na luho ang pagkakaroon ng access sa communication at internet services lalo na sa mga kabataan dahil ginagamit na nila ito sa kanilang pag-aaral.
Alinsunod sa panukala, pagkakalooban ng] 20 percent discount ang mga estudyante sa mobile load, text, call at internet services.
Ma-aavail ang diskwento sa pamamagitan ng pagpapakita ng valid school ID o proof of enrollment at epektibo ito sa buong taon kasama ang weekends at holidays.
Sakla ng student discount sa load ang lahat ng telecommunications services kasama ang postpaid, prepaid, broadband at internet services.