Pinasalamatan ni CIBAC Party-List Rep., Bro. Eddie Villanueva, ang 176 solons na pumabor para tuluyan nang ipagbawal sa Pilipinas ang E-sabong at mga kahalintulad na aktibidad.
Kagabi pinagtibay ng Kamara sa third and final reading ang House Bill No. 11254 o An Act Banning the E-Sabong dahil sa masamang epekto nito sa maraming pamilyang Pilipino.
Ayon kay Bro. Eddie, saksi siya kung paano sinira ng e-sabong ang buhay ng maraming pamilyang Pilipino.
Pagdidiin nito, ang pagbabawal sa e-sabong ay hindi lamang legal kundi kundi usapin ding moral.
Hindi aniya dapat hayaang manaig ang pera at kasakiman, habang marami ang nagdurusa dahil sa pagkakalulong sa sugal na ito.
Kapag naging batas, lahat ng permit na ipinagkalob ng PAGCOR ay idedeklarang “null and void” at pakikilusin ang lahat ng law enforcement at cybercrime agencies na lansagin ang lahat ng e-sabong plarforms sa Pilipinas.
Ang sino mang lalabag ay makukulong ng hanggang 20-taon, at pagmumultahin ng ₱20-M.