dzme1530.ph

PANUKALA NA GAWING REGULAR HOLIDAY ANG EDSA PEOPLE POWER ANNIVERSARY, PAG-AARALAN NI PANGULONG MARCOS

Loading

Pag-aaralan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukala na nagdedeklara sa February 25 ng bawat taon bilang regular holiday, bilang paggunita sa EDSA People Power Revolution.

 

Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na ibigay lamang ng mga mambabatas ang kanilang  mga bersyon kay Pangulong Marcos upang maaksyunan.

 

Nakasaad sa House Bill No. 7911 na dapat ideklarang regular holiday ang Feb. 25 bilang paggunita sa mapayapang 1986 EDSA People Power Revolution na nagpatalsik kay pangulong Ferdinand Marcos Sr. at nagpanumbalik ng demokrasya sa Pilipinas.

 

Noong 2023, iniurong ni PBBM ang Feb. 25 Special Non-Working Day ng Feb. 24, araw ng Biyernes, dahil sa holiday economics.

 

Sa mga sumunod na taon naman ay hindi na isinama ni Marcos ang Feb. 25 bilang holiday.

About The Author