Iminungkahi ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang pansamantalang pagtigil ng online SIM registration sa gitna ng fraud issues o pandaraya.
Ayon kay PAOCC Executive Director at Usec. Gilbert Cruz, nakita at nakumpiska nila ang isang equipment na kayang magrehistro ng hanggang 64 na SIM cards nang sabay-sabay, at ibinebenta online.
Kaugnay nito, hinimok ni Cruz ang telecommunication companies at mga otoridad na pisikal o manual na suriin ang detalye ng mga nagpaparehistro para matukoy kung sino ang nagsusumite ng maling impormasyon.
Inirekomenda rin ng PAOCC Usec. ang paglalabas ng department o executive order, na nagpapahintulot sa mga telecommunication firm na magkaroon ng reference mula sa mga ahensyang nag-iisyu ng identification cards upang mapag-tugma ang authenticity ng impormasyon.
Kamakailan lamang ng ipakita ng PAOCC kung paano nai-rerehistro ang mga SIM card gamit ang pangalan ng anime, larawan, at gawa-gawang address. –sa panulat ni Airiam Sancho