Labis ang tuwa ni Sharon Cuneta makaraang makakuha ang kanyang mister na si Kiko Pangilinan ng stable ranking sa partial and unofficial senatorial results.
Sa kanyang Instagram page, sinabi ng Megastar na naniniwala siya sa milagro at sinabayan nila ang pangangampanya ng pagdarasal, tiwala, at pagpuri sa Panginoon.
Pinasalamatan din ni Sharon ang mga sumuporta at nangampanya para sa kanyang mister.
Idinagdag ng aktres na walang epekto kay Kiko ang paninira ng mga trolls at walang binatbat ang mga ito laban sa matatalinong botante at sa Diyos.
Nagpaabot din ang Megastar sa kapwa Senatorial candidate ni Kiko na si Bam Aquino na pumangalawa sa partial and unofficial Senate Magic 12.