Exempted ang panibagong ₱12-B na halaga ng Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) funding mula sa election spending ban para sa Halalan 2025.
Sa memorandum na inilabas, kanina, inaprubahan ng Poll body ang hiling ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na huwag isama ang ilan sa kanilang mga programa mula sa spending ban para sa May elections.
Ito na ang ikalawang exemption ng AKAP program mula sa election spending ban, matapos aprubahan ng Comelec ang unang request ng DSWD na kinapapalooban ng ₱882-M noong Enero.
Sa ilalim ng Comelec Resolution no. 11060, kailangan ng Certificate of Exemption para sa pagpapatupad ng mga aktibidad at programa sa social welfare projects at services habang umiiral ang public spending ban simula March 28 hanggang May 11, 2025.