dzme1530.ph

Panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo, posible sa susunod na linggo

Posibleng magkaroon ng panibagong pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy.

Batay sa 4-day oil trading, aabot sa P1.15 hanggang P1.35 kada litro ang dagdag-presyo sa gasolina.

P1.80 hanggang P2 naman sa kada litro ng diesel, at P1.70 hanggang P1.90 sa bawat litro ng kerosene.

Ini-uugnay pa rin ang pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo sa boluntaryong pagbabawas ng produksyon ng langis ng Saudi Arabia at Russia, maging ang epekto ng malawakang pagbaha sa oil supply ng Libya. –sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author