Tiniyak ng Philippine Coast Guard (PCG) na hindi makaaapekto ang panibagong insidente ng pangha-harass ng Chinese Vessel sa barko ng Pilipinas, sa pagpapatrolya nila sa siyam na naval outpost ng bansa sa West Philippine Sea.
Ginawa ng PCG ang pagtiyak, kasunod ng pagbuntot at tangkang pagtawid ng barko ng Chinese People’s Liberation Army sa harapan ng BRP Benguet na nasa resupply mission malapit sa Pag-asa Island.
Agad nagbato ng radio challenge ang mga Pilipino at kalaunan ay lumayo rin ang Chinese Warship, kaya matagumpay na naisagawa ng BRP Benguet ang rotation ng mga sundalo at naihatid ang supply sa Rizal Reef.
Samantala, sinabi ni Armed Forces of the Philippines Spokesman Col. Medel aguilar na ito ang unang pagkakataon na tumawid sa harapan ng barko ng Pilipinas ang isang Chinese Vessel na maituturing na dangerous maneuver.
Ito naman ang ika-anim na beses na hinarass ng China ang Philippine Vessel ngayong taon.