Walang dahilan para mag-panic sa panibagong pagtaas ng COVID-19 infection sapagkat normal na pagtaas lamang ito ng mga kaso, ayon sa infectious disease expert na si Dr. Rontgene Solante.
Aniya, hindi magpapatuloy sa pagkalat ang virus at ang pagtaas nito ay pansamantala lamang.
Tatlong bagong COVID-19 variants na kinabibilangan ng JN.1.18; KP.2; at KP.3, ang binabantayan ngayon ng world health organization.
Una nang sinabi ng doh na wala pang ebidensyang magpapatunay na ang KP.2 at KP.3 na kilala bilang “FLiRT” variants, ay nagdudulot ng severe to critical covid-19, sa pilipinas man o sa ibang bansa.
Sa kabila naman nito ay pinayuhan pa rin ni solante ang publiko na mag-ingat at protektahan ang kanilang mga sarili laban sa virus.