![]()
Kinumpirma ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na may nadiskubre pa silang kwestyonableng bahagi ng farm-to-market road projects na nakapaloob sa proposed 2026 national budget.
Sinabi ni Lacson na sa kanilang caucus kahapon, tinukoy ni Sen. Kiko Pangilinan na may limang bilyong pisong halaga ng proyekto sa ilalim ng Farm-to-Market Roads na kwestyonable.
Ito ay dahil hindi properly identified o walang coordinates, description, at iba pang detalye ang mga proyekto.
Tiniyak naman ni Lacson na hindi nila papayagan ang ganitong bahagi ng budget.
Binigyang-diin ni Lacson na kasing-urgent at kasing-importante ito ng usapin ngayon kaugnay sa P45 billion na tinapyas ng Senado sa budget ng DPWH.
Sa dami naman ng kwestyonableng isyu sa budget, sinabi ni Lacson na mas mabuti pang reenacted ang budget sa Enero o hanggang sa unang quarter ng taon kaysa magpatibay ng pambansang budget na unchecked at bukas sa katiwalian.
