dzme1530.ph

Panibagong kaso ng pag-abuso sa hayop, kinondena

Kinondena ni Sen. Grace Poe ang panibagong kaso ng pangtotorture, pangmamaltrato at pagpapabaya sa mga hayop ilang araw matapos maisulong sa Senado ang panukalang pagpapalakas sa Animal Welfare Act.

Tinukoy ni Poe ang ulat kaugnay sa dalawang Shih Tzu na pinutulan ng tenga.

Umaasa ang senador na ang malakas na suporta ng publiko sa kanilang ipinaglalaban na mapangalaan at maprotektahan ang mga alagang hayop ay magiging daan upang aprubahan ng mga senador ang agarang pagpapasa sa panukalang batas na naglalayong mas maging mabigat ang parusa sa mga nangmamaltrato at nagpapabaya sa mga alagang hayop.

Ikinalugod din ni Poe ang pangako ni Senate President Juan Miguel Zubiri na bibigyang prayoridad ng Senado ang pagpapasa sa kanyang isinusulong na panukalang amendment sa Animal Welfare Act.

Nangako din si Zubiri na magiging pet friendly ang lilipatan nilang tanggapan sa Taguig City.

About The Author