dzme1530.ph

Panibagong kaso ng karumal-dumal na pagkamatay ng isang OFW, pinabubusisi sa Senado

Nais ni Senador Risa Hontiveros na magsagawa ng Investigation in Aid of Legislation ang Senado sa isa pang kaso ng karumal-dumal na pagkamatay sa isang overseas Filipino worker sa Saudi Arabia.

Sa kanyang Senate Resolution 817, tinukoy ang pagkamatay ni Marjorette Garcia, 32 anyos na domestic worker sa Saudi Arabia na natagpuang tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Tinukoy sa resolusyon na natagpuan siyang patay nitong September 27.

Si Garcia ay nagsimulang magtrabaho sa Saudi noon pang 2021 at nakatakda sanang umuwi sa Pilipinas ngayong buwan.

Binanggit din ni Hontiveros ang pahayag ng Overseas Workers Welfare Administration na ang OFW ay biktima ng murder subalit hindi pa matukoy ang buong detalye.

Iginiit ng senador sa kanyang resolution na dapat makabuo ng mas malakas na mekanismo upang protektahan ang mga manggagawang Pinoy sa ibayong dagat. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author