dzme1530.ph

Panibagong incident ng water cannon attack ng Chinese Coast Guard sa Scarborough Shoal, kinondena

Kinondena nina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Francis Tolentino ang panibagong water cannon incident ng Chinese Coast Guard sa Scarborough Shoal.

Sinabi ni Estrada na bagama’t ayaw niyang isipin na ang bagong bullying tactics ng China ay isang provocative action laban sa gobyerno, hindi maiaalis ang katotohanan na naganap ito sa gitna ng nagpapatuloy n Balikatan exercises ng Pilipinas at Estados Unidos.

Iginiit ng senador na ang aktibidad na ito ng China na humahadlang sa ating routine at lawful activities sa ating territorial jurisdiction ay hindi katanggap-tanggap at dapat agarang itigil.

Muli rin siyang nananawagan sa gobyerno ng China na sumunod sa international law at iwasan ang mga hakbangin na naglalagay sa peace and security sa alanganin.

Iginiit naman ni Tolentino na ang panibagong pag-atake ng China ay taliwas sa isinasaad ng international law subalit hindi aniya ito dapat maging dahilan upang tigilan natin ang mga ginagawa nating ligal na hakbangin para sa ating soberanya.

About The Author