dzme1530.ph

PANIBAGONG HAZING INCIDENT SA PNPA, KINONDENA NG ISANG SENADOR

Loading

KINONDENA ni Senador Sherwin Gatchalian ang panibagong kaso ng hazing sa Philippine National Police Academy (PNPA) sa Silang, Cavite.
 
Sinabi ni Gatchalian na nakaka-alarma na nangyari ang hazing sa institusyon na humuhubog sa susunod na mga alagad ng batas.
 
Umaasa si Gatchalian na mapapanagot ang mga responsable sa insidente alinsunod sa Anti-Hazing Act of 2018 (RA 11053).
 
Nasampahan na ng mga kasong kriminal ang tatlong kadete at isusunod na ang pagsasampa ng mga kasong administratibo laban sa kanila.
 
Sa ulat, pinahiran umano ng pinaghalong muriatic acid at drain cleaner ang 20 plebo o mga bagong pasok na kadete sa Barracks 2 ng PNPA noong nakalipas na Biyernes Santo.
 
Dahil dito, nalapnos at nasugatan ang ilang bahagi ng katawan ng mga biktima.

About The Author