dzme1530.ph

PANIBAGONG HARASSMENT MULA SA CHINA, NARANASAN NG MGA PILIPINONG MANGINGISDA SA BAJO DE MASINLOC

Loading

Nakararanas ng panibagong pangha-harass ang mga Pilipinong mangingisda mula sa China Coast Guard (CCG) sa Bajo de Masinloc.

 

Pinaligiran at binuntutan ng speedboats ng CCG ang mga mangingisdang Pinoy habang isang CCG ship ang lumapit pa sa mga bangka para mang-harass noong Linggo.

 

Idineploy ng Philippine Coast Guard (PCG) ang BRP Cape San Agustin at BRP Cabra, kasama ang MV Pamalakaya, para tulungan ang mga mangingisda.

 

Nag-deliver din ang mga barko ng krudo, inuming tubig, at mga pagkain.

 

Ipinadala rin ng PCG ang kanilang Cessna Caravan aircraft kahapon ng umaga para tingnan ang misyon na kanilang inilunsad.

 

Bahagyang nahinto ang harassment, kaya nagkaroon ng pagkakataon ang 20 Filipino fishing boats na makapag-refuel ng ligtas mula sa PCG vessels at makapag-replenish ng kanilang supplies.

About The Author