Nahaharap si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa panibagong disqualification case bunsod ng multiple grounds, kabilang ang libel conviction noong 2008.
Sa 28-pahinang petisyon na inihain ni Berteni Causing, iginiit nito na dapat madiskwalipika si Tulfo sa pagtakbo sa pagka-senador dahil convicted ito sa 4 counts of libel noong 2008.
Kinapapalooban aniya ito ng moral turpitude na basehan sa disqualification, sa ilalim ng Section 12 ng Omnibus Election Code.
Nilabag din umano ni Tulfo ang Provision for Access to Opportunities for Public Service, at paglabag sa Anti-Political Dynasty.
Kinuwestyon din ng petitioner ang citizenship ng senatorial candidate, pati na ang kanyang academic qualifications.