Pinalaya kahapon ang may kabuuang 880 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa iba’t ibang piitan sa ilalim ng Bureau of Corrections (BuCor).
Ayon sa DOJ, umabot sa 196 ang pinalaya sa pamamagitan ng parole; 200 ang pinawalang-sala; 9 ang absuwelto; 27 ang nagpaso na ang Expiration of Maximum Sentence (EMS); 414 ang natapos na ang sentensiya na may Good Conduct Time Allowance (GCTA); 38 ang binigyan ng probation; 1 ang binigyan ng probation na pinalaya on recognizance; at 4 ang naghain ng cash bond.
Sa 880 na PDL na pinalaya, 185 ay galing sa New Bilibid Prison maximum security compound; 151 mula sa NBP medium security compound; 25 mula sa NBP minimum security compound; 13 mula sa NBP reception and diagnostic center; at 5 mula sa Philippine Military Academy;
101 mula sa Leyte Regional Prison; 58 mula sa San Ramon Prison and Penal Farm; 25 mula sa Sablayan Prison and Penal Farm; 29 galing sa Iwahig Prison and Penal Farm; 92 mula sa Correctional Institution for Women; at 196 mula sa Davao Prison and Penal Farm.
Hinikayat naman ni DOJ Usec. Deo Marco ang mga nakalayang PDL na maging halimbawa na bagaman dating PDL ay kaya nilang maging mabuti. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News