dzme1530.ph

Panibagong batch ng mga PDL, inilipat sa Iwahig Prison and Penal Farm mula NBP

Loading

Panibagong batch ng mga person deprived of liberty (PDL) ang inilipat sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan, mula sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Sinabi ni BuCor Dir. Gen. Gregorio Pio P. Catapang Jr. na ang 300 PDL ay mula sa Medium Security Camp ng NBP.

Paliwanag ni Catapang ang tuloy tuloy na paglilipat sa mga PDL ay bilang bahagi ng kanilang effort para  ma-decongest ang NBP at suportahan ang mga pangangailangan ng manpower sa IPPF para sa Agricultural project.

Escorted ang mga ito ng 100 opisyal mula sa BuCor, PNP Muntinlupa, PNP Highway Patrol Group, South Luzon Expressway Patrol, Coast Guard, at BuCor SWAT sakay ng isang vessel patungong Puerto Princesa City sa Palawan.

Ayon kay Catapang umabot na sa kabuuang 10, 227 ang kabuuang bilang ng mga PDL ang inilipat mula sa NBP at iba pang operating prison and penal farms.

About The Author