Itinuturing ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na alarming at bad news ang pagtutuloy ng PhilHealth ng pagtransfer ng dagdag na ₱10 bilyong excess fund nito sa National Treasury, kahapon.
Ito aniya ay sa kabila ng nakabinbin pang petisyon sa Korte Suprema na kumukwestiyon sa paglilipat sa National Treasury ng sinasabing excess fund ng PhilHealth na umaabot sa halos ₱90 bilyon.
Sa ngayon ang kaya anilang gawin ay umapela na lamang kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bawiin ang desisyon na kunin ang lahat ng sobrang pondo ng mga ahensya ng gobyerno at ilipat sa unprogrammed funds.
Umaasa si Pimentel na posible pang maipag-utos ng Korte Suprema sa Philhealth na tigilan ang paglilipat ng pondo.
Sa kabila ng pagtutol ng mga medical group, ng mga dating health secretary at iba pang grupo, itinuloy kahapon ng Philhealth ang paglilipat ng second tranch ng kanilang excess funds na nagkakahalaga ng ₱10 bilyon. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News