![]()
Wala pang inihahandang legal defense si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa impeachment complaints na isinampa laban sa kanya.
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro, na kung ano ang proseso ay igagalang ng Pangulo.
Anuman aniya ang mangyari ay sasagot na lamang ang Punong Ehekutibo.
Dalawang impeachment complaints ang isinampa laban kay Pangulong Marcos, na kapwa idineklara ng House Committee on Justice na sufficient in form noong Lunes.
Inaasahan naman mamaya na pagbobotohan ng komite kung sufficient in substance ang dalawang impeachment complaints laban kay Pangulong Marcos Jr.
