Ipinangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na poprotektahan ng kanyang administrasyon ang mga karapatan at kapakanan ng mga manggagawa.
Ginawa ng Pangulo ang pangako sa isang dayalogo kasama ang labor leaders sa Goldenberg Mansion, sa Malakanyang.
Sa Facebook post, sinabi ni marcos na patuloy ang suporta ng pamahalaan sa bukas at makabuluhang usapan para sa trabahong may dignidad, sahod na sapat, at kinabukasang may pag-asa para sa bawat pamilyang Pilipino.
Samantala, tiniyak din ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na makikipagtulungan sila sa gobyerno at mahahalagang stakeholders upang masiguro na ang labor rights ay hindi lamang basta pangako, kundi pinagtitibay sa lahat ng oras.